Kawikaan 4:12-19 Ang Salita ng Dios (ASND)

12. Kung susundin mo ito, walang makakasagabal sa buhay mo at maliligtas ka sa anumang kapahamakan.

13. Huwag mong kalilimutan ang pagtutuwid ko sa iyong pag-uugali; ingatan mo ito sa puso mo sapagkat mabubuhay ka sa pamamagitan nito.

14. Huwag mong gagayahin ang ginagawa ng mga taong masama.

15. Iwasan mo ito at patuloy kang mamuhay nang matuwid.

16. Sapagkat ang taong masama ay hindi makatulog kapag hindi nakakagawa ng masama o walang naipapahamak.

17. Ang pagkain nila ay paggawa ng kasamaan at ang inumin nila ay paggawa ng karahasan.

18. Ang pamumuhay ng taong matuwid ay parang sikat ng araw na lalong nagliliwanag habang tumatagal.

19. Pero ang pamumuhay ng taong masama ay parang kadiliman; hindi niya alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagbagsak.

Kawikaan 4