11. Tinuruan na kita ng karunungan, kung paano mamuhay sa katuwiran.
12. Kung susundin mo ito, walang makakasagabal sa buhay mo at maliligtas ka sa anumang kapahamakan.
13. Huwag mong kalilimutan ang pagtutuwid ko sa iyong pag-uugali; ingatan mo ito sa puso mo sapagkat mabubuhay ka sa pamamagitan nito.
14. Huwag mong gagayahin ang ginagawa ng mga taong masama.
15. Iwasan mo ito at patuloy kang mamuhay nang matuwid.
16. Sapagkat ang taong masama ay hindi makatulog kapag hindi nakakagawa ng masama o walang naipapahamak.
17. Ang pagkain nila ay paggawa ng kasamaan at ang inumin nila ay paggawa ng karahasan.
18. Ang pamumuhay ng taong matuwid ay parang sikat ng araw na lalong nagliliwanag habang tumatagal.