Kawikaan 31:17-21 Ang Salita ng Dios (ASND)

17. Malakas, masipag at mabilis siyang gumawa.

18. Magaling siyang magnegosyo, at matiyagang nagtatrabaho hanggang gabi.

19. Siya rin ang gumagawa ng mga tela upang gawing damit.

20. Matulungin siya sa mahihirap at mga nangangailangan.

21. Hindi siya nag-aalala, dumating man ang taglamig, dahil may makakapal siyang tela para sa kanyang pamilya.

Kawikaan 31