Kawikaan 30:3-14 Ang Salita ng Dios (ASND)

3. Hindi ako natuto ng karunungan,at tungkol naman sa Dios ay wala akong nalalaman.

4. May tao bang nakaakyat na sa langit at bumaba sa mundo?May tao bang nakadakot ng hangin sa kanyang mga kamay o kaya ay nakabalot ng tubig sa kanyang damit?May tao bang nakapaglagay ng hangganan sa mundo?Kung may kilala ka, sabihin mo sa akin ang kanyang pangalan at ang pangalan ng kanyang anak.

5. Ang bawat salita ng Dios ay tunay na mapagkakatiwalaan.Siya ay tulad ng panangga sa mga umaasa ng kanyang pag-iingat.

6. Huwag mong dadagdagan ang kanyang mga salita,dahil kung gagawin mo ito, sasawayin ka niya at ipapakita na ikaw ay sinungaling.”

7. Panginoon, may dalawang bagay akong hihilingin sa inyo. Kung maaari ibigay nʼyo ito sa akin bago ako mamatay.

8. Una, tulungan nʼyo ako na huwag magsinungaling. Pangalawa, huwag nʼyo akong payamanin o pahirapin, sa halip bigyan nʼyo lamang ako ng sapat para sa aking mga pangangailangan.

9. Dahil kung yumaman ako, baka sabihin kong hindi ko na kayo kailangan; at kung ako naman ay maghirap, baka matuto akong magnakaw at mailagay ko kayo sa kahihiyan.

10. Huwag mong sisiraan ang katulong sa harap ng kanyang amo, baka isumpa ka niya at magdusa ka.

11. May mga anak na hindi nananalangin sa Dios na pagpalain ang kanilang mga magulang, sa halip sinusumpa pa nila sila.

12. May mga tao na ang tingin sa sarili ay tunay na perpekto, ngunit ang totoo ang buhay nila ay madumi.

13. May mga taong mapagmataas na kung tumingin akala mo kung sino.

14. May mga tao namang sakim at napakalupit, pati mahihirap ay kanilang ginigipit.

Kawikaan 30