3. Hindi ako natuto ng karunungan,at tungkol naman sa Dios ay wala akong nalalaman.
4. May tao bang nakaakyat na sa langit at bumaba sa mundo?May tao bang nakadakot ng hangin sa kanyang mga kamay o kaya ay nakabalot ng tubig sa kanyang damit?May tao bang nakapaglagay ng hangganan sa mundo?Kung may kilala ka, sabihin mo sa akin ang kanyang pangalan at ang pangalan ng kanyang anak.
5. Ang bawat salita ng Dios ay tunay na mapagkakatiwalaan.Siya ay tulad ng panangga sa mga umaasa ng kanyang pag-iingat.
6. Huwag mong dadagdagan ang kanyang mga salita,dahil kung gagawin mo ito, sasawayin ka niya at ipapakita na ikaw ay sinungaling.”
7. Panginoon, may dalawang bagay akong hihilingin sa inyo. Kung maaari ibigay nʼyo ito sa akin bago ako mamatay.
8. Una, tulungan nʼyo ako na huwag magsinungaling. Pangalawa, huwag nʼyo akong payamanin o pahirapin, sa halip bigyan nʼyo lamang ako ng sapat para sa aking mga pangangailangan.
9. Dahil kung yumaman ako, baka sabihin kong hindi ko na kayo kailangan; at kung ako naman ay maghirap, baka matuto akong magnakaw at mailagay ko kayo sa kahihiyan.
22-23. Ang aliping naging hari,ang mangmang na sagana sa pagkain,ang babaeng masungit na nakapag-asawa,at ang babaeng alipin na pumalit sa kanyang amo.
24. May apat na hayop dito sa mundo na maliit ngunit may pambihirang kaisipan:
25. Ang mga langgam, kahit mahina, nag-iipon sila ng pagkain kung tag-araw.
26. Ang mga badyer, kahit mahihina sila, nakagagawa sila ng kanilang tirahan sa mabatong lugar.
27. Ang mga balang, kahit walang namumuno, maayos na lumilipad nang sama-sama.
28. Ang mga butiki, kahit madaling hulihin ng kamay, matatagpuan kahit sa palasyo ng hari.
29. May apat na nilalang na akala mo kung sino kapag lumakad:
30. ang leon (pinakamatapang sa lahat ng hayop at walang kinatatakutan),
31. ang tandang,ang lalaking kambing,at ang haring nangunguna sa kanyang mga kawal.
32. Kung sa kahangalan moʼy nagmamayabang ka at nagbabalak ng masama, tigilan mo na iyan!
33. Hindi ba kapag hinalo nang hinalo ang malapot na gatas ay magiging mantikilya? Hindi ba kapag sinuntok mo ang ilong ng isang tao ay magdurugo ito? Kaya kapag ginalit mo ang tao tiyak na magkakaroon ng gulo.