Kawikaan 30:2-6 Ang Salita ng Dios (ASND)

2. “Ako ang pinakamangmang sa lahat ng tao.Ang isip koʼy parang hindi sa tao.

3. Hindi ako natuto ng karunungan,at tungkol naman sa Dios ay wala akong nalalaman.

4. May tao bang nakaakyat na sa langit at bumaba sa mundo?May tao bang nakadakot ng hangin sa kanyang mga kamay o kaya ay nakabalot ng tubig sa kanyang damit?May tao bang nakapaglagay ng hangganan sa mundo?Kung may kilala ka, sabihin mo sa akin ang kanyang pangalan at ang pangalan ng kanyang anak.

5. Ang bawat salita ng Dios ay tunay na mapagkakatiwalaan.Siya ay tulad ng panangga sa mga umaasa ng kanyang pag-iingat.

6. Huwag mong dadagdagan ang kanyang mga salita,dahil kung gagawin mo ito, sasawayin ka niya at ipapakita na ikaw ay sinungaling.”

22-23. Ang aliping naging hari,ang mangmang na sagana sa pagkain,ang babaeng masungit na nakapag-asawa,at ang babaeng alipin na pumalit sa kanyang amo.

Kawikaan 30