14. May mga tao namang sakim at napakalupit, pati mahihirap ay kanilang ginigipit.
15. Ang mga taong sakim ay parang linta. Ang laging sinasabi ay, “Bigyan mo ako!”May apat na bagay na hindi kontento:
16. ang libingan,ang babaeng baog,ang lupang walang tubig,at ang apoy.
17. Ang anak na kumukutya at sumusuway sa kanyang magulang ay tutukain ng uwak sa mga mata, at kakainin ng mga agila ang bangkay niya.
18. May apat na bagay na para sa akin ay kahanga-hanga at hindi ko maunawaan:
19. Kung paano nakakalipad ang agila sa kalangitan,kung paano nakakagapang ang ahas sa batuhan,kung paano nakapaglalayag ang barko sa karagatan,at ang pamamaraan ng lalaki sa babae.
20. Ganito ang ginagawa ng babaeng nagtataksil sa kanyang asawa: Sumisiping siya sa ibang lalaki pagkatapos sasabihin niyang wala siyang ginagawang masama.
21. May apat na bagay na hindi matanggap ng mga tao sa mundo: