11. May mga anak na hindi nananalangin sa Dios na pagpalain ang kanilang mga magulang, sa halip sinusumpa pa nila sila.
12. May mga tao na ang tingin sa sarili ay tunay na perpekto, ngunit ang totoo ang buhay nila ay madumi.
13. May mga taong mapagmataas na kung tumingin akala mo kung sino.
14. May mga tao namang sakim at napakalupit, pati mahihirap ay kanilang ginigipit.
15. Ang mga taong sakim ay parang linta. Ang laging sinasabi ay, “Bigyan mo ako!”May apat na bagay na hindi kontento:
16. ang libingan,ang babaeng baog,ang lupang walang tubig,at ang apoy.
17. Ang anak na kumukutya at sumusuway sa kanyang magulang ay tutukain ng uwak sa mga mata, at kakainin ng mga agila ang bangkay niya.