Kawikaan 3:27-34 Ang Salita ng Dios (ASND)

27. Hanggaʼt makakaya mo, tulungan mo ang mga dapat tulungan.

28. Huwag mo nang ipagpabukas pa, kung kaya mo naman silang tulungan ngayon.

29. Huwag mong pagplanuhan ng masama ang kapitbahay mo na nagtitiwala sa iyo.

30. Huwag kang makipagtalo sa kapwa mo nang walang sapat na dahilan, lalo na kung wala naman siyang ginawang masama sa iyo.

31. Huwag kang mainggit sa taong malupit o gayahin ang kanyang mga ginagawa.

32. Sapagkat nasusuklam ang Panginoon sa mga taong baluktot ang pag-iisip, ngunit nagtitiwala siya sa mga namumuhay nang matuwid.

33. Isinusumpa ng Panginoon ang sambahayan ng masasama, ngunit pinagpapala niya ang sambahayan ng mga matuwid.

34. Hinahamak niya ang mga nanghahamak ng kapwa, ngunit binibiyayaan niya ang mga mapagpakumbaba.

Kawikaan 3