2. sapagkat ito ang magpapahaba at magpapaunlad ng iyong buhay.
3. Manatili kang mapagmahal at matapat; alalahanin mo itong lagi at itanim sa iyong isipan.
4. Kapag ginawa mo ito, malulugod ang Dios pati na ang mga tao.
5. Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan.
6. Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.
7. Huwag mong isipin na napakarunong mo na. Matakot ka sa Panginoon, at huwag gumawa ng masama.
8. Para iyon sa ikabubuti at ikalalakas ng iyong katawan.
9. Parangalan mo ang Panginoon sa pamamagitan ng paghahandog sa kanya ng mga unang bunga ng iyong ani.
19-20. Sa pamamagitan ng karunungan, nilikha ng Panginoon ang lupa at ang langit, at bumukas ang mga bukal at mula sa mga ulap ay bumuhos ang ulan.
21. Anak, ingatan mo ang iyong karunungan at kaalaman sa pagpapasya ng tama. Huwag mong hayaang mawala ito sa iyo.
22. Sapagkat ito ang magbibigay sa iyo ng mahaba at magandang buhay.
23. Mabubuhay kang ligtas sa anumang kapahamakan.
24. Makakatulog ka nang mahimbing at walang kinakatakutan.
25. Hindi ka dapat matakot kung biglang dumating ang mga pangyayaring nakakatakot o kung lilipulin na ang masasama,