Kawikaan 3:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Anak, huwag mong kalilimutan ang mga itinuturo ko sa iyo. Ingatan mo sa iyong puso ang mga iniuutos ko,

2. sapagkat ito ang magpapahaba at magpapaunlad ng iyong buhay.

3. Manatili kang mapagmahal at matapat; alalahanin mo itong lagi at itanim sa iyong isipan.

4. Kapag ginawa mo ito, malulugod ang Dios pati na ang mga tao.

5. Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan.

19-20. Sa pamamagitan ng karunungan, nilikha ng Panginoon ang lupa at ang langit, at bumukas ang mga bukal at mula sa mga ulap ay bumuhos ang ulan.

Kawikaan 3