1. Huwag mong ipagyabang ang gagawin mo bukas, sapagkat hindi mo alam kung anong mangyayari sa araw na iyon.
2. Huwag mong purihin ang iyong sarili; pabayaan mong iba ang sa iyo ay pumuri.
3. Ang buhangin at bato ay mabigat, pero mas mabigat na problema ang idudulot ng taong hangal.
4. Mapanganib ang taong galit, ngunit ang taong seloso ay higit na mapanganib.