2. Ang sumpa ay hindi tatalab sa walang kasalanan. Tulad ito ng ibong hindi dumadapo at lilipad-lipad lamang.
3. Kailangan ang latigo para sa kabayo, bokado para sa asno, at pamalo para sa hangal na tao.
4. Huwag mong sagutin ang hangal kung nakikipag-usap siya sa iyo ng kahangalan, at baka matulad ka rin sa kanya.
5. Ngunit kung minsan, kailangang sagutin din siya, para malaman niya na hindi siya marunong tulad ng kanyang inaakala.
6. Kapag nagpadala ka ng mensahe sa pamamagitan ng isang mangmang, para mo na ring pinutol ang iyong mga paa, at para ka na ring gumawa ng sariling kapahamakan.
7. Ang pilay na paa ay walang kabuluhan, katulad ng kawikaan sa bibig ng hangal.
8. Ang isang papuri na sa hangal iniuukol ay parang batong nakatali sa tirador.
9. Ang kasabihang sinasabi ng hangal ay makapipinsala tulad ng matinik na kahoy na hawak ng lasing.
10. Kahangalan ang pumana ng kahit sino; gayon din ang pagkuha sa hangal o sa sinumang dumadaan upang upahan.
11. Inuulit ng hangal ang kanyang kahangalan, tulad ng asong binabalikan ang kanyang suka para kainin.