Kawikaan 25:25-28 Ang Salita ng Dios (ASND)

25. Ang magandang balita mula sa malayong lugar ay parang malamig na tubig sa taong nauuhaw.

26. Ang matuwid na umaayon sa gawain ng masamang tao ay parang maruming balon at malabong bukal.

27. Kung paanong masama ang pagkain ng labis na pulot, ganoon din ang paghahangad ng sariling kapurihan.

28. Ang taong walang pagpipigil sa sarili ay madaling bumagsak gaya ng isang bayan na walang pader.

Kawikaan 25