18. Ang taong sumasaksi ng kasinungalingan laban sa kanyang kapwa ay nakakapinsala tulad ng espada, pamalo at pana.
19. Ang pagtitiwala sa taong hindi mapagkakatiwalaan sa oras ng pangangailangan ay walang kwenta tulad ng paang pilay o ngiping umuuga.
20. Kung aawitan mo ng masayang awitin ang taong nasa matinding kapighatian ay para mo na rin siyang hinubaran sa panahon ng taglamig o kayaʼy nilagyan mo ng suka ang kanyang sugat.
21. Kapag nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kapag nauuhaw, painumin mo.
22. Kapag ginawa mo ito mahihiya siya sa iyo at ang Panginoon ang magpapala sa iyo.
23. Kung paanong ang hanging habagat ay nagdadala ng ulan, nagdadala naman ng galit ang naninira ng kapwa.
24. Mas mabuting tumira ng mag-isa sa bubungan ng bahay kaysa sa loob ng bahay na kasama ang asawang palaaway.
25. Ang magandang balita mula sa malayong lugar ay parang malamig na tubig sa taong nauuhaw.
26. Ang matuwid na umaayon sa gawain ng masamang tao ay parang maruming balon at malabong bukal.