Kawikaan 24:22-34 Ang Salita ng Dios (ASND)

3-4. Sa pamamagitan ng karunungan, maitatayo mo at mapapaunlad ang iyong tahanan. Mapupuno rin ito ng mahahalagang kayamanan.

22. sapagkat hindi mo alam kung anong kapahamakan ang biglang ibibigay ng Panginoon o ng hari sa kanila.

23. Narito pa ang ilang kawikaan ng marurunong na tao:Hindi dapat magtangi ng tao sa paghatol ng katarungan.

24. Kapag pinalaya mo ang taong may kasalanan, susumpain ka at kamumuhian ng mga tao.

25. Ngunit kapag pinarusahan mo ang may kasalanan, matutuwa ang mga tao at pagpapalain ka.

26. Ang tapat na kasagutan ay tanda ng mabuting pagkakaibigan.

27. Ihanda mo muna ang iyong pagkakakitaan, tulad ng iyong bukid na taniman bago ka magtatag ng sariling tahanan.

28. Huwag kang sasaksi sa iyong kapwa nang walang sapat na dahilan, o magsalita laban sa kanya ng kasinungalingan.

29. Huwag mong sasabihin, “Gaganti ako, gagawin ko sa kanya ang ginawa niya sa akin.”

30. Dumaan ako sa bukid ng taong tamad at mangmang.

31. Puno na ito ng mga damo at matitinik na halaman, at giba na ang mga bakod nito.

32. Nang makita ko ito, napaisip ako ng mabuti, at natutunan ko ang aral na ito:

33. Sa kaunting pahinga, kaunting pagtulog, at paghalukipkip mo, taong tamad,

34. ay biglang darating sa iyo ang kahirapan na para kang ninakawan ng armadong tulisan.

Kawikaan 24