Kawikaan 24:13-14-26 Ang Salita ng Dios (ASND)

2. Sapagkat ang iniisip nila at sinasabi ay para sa kapahamakan ng iba.

5. Ang taong marunong ay malaki ang maitutulong upang lalong lumakas ang mga nakikipaglaban,

6. sapagkat kailangan nila ng mga payo sa pakikipaglaban. At higit na matitiyak ang tagumpay kung maraming nagpapayo.

7. Ang karunungan ay hindi maunawaan ng mangmang. Wala siyang masabi kapag mahahalagang bagay ang pinag-uusapan.

8. Ang taong laging nagpaplano ng masama ay kikilalaning may pakana ng kasamaan.

9. Anumang pakana ng hangal ay kasalanan, at kinasusuklaman ng mga tao ang sinumang nangungutya.

13-14. Anak, kung papaanong matamis at mabuti para sa iyo ang pulot, ganoon din naman ang karunungan. Sapagkat kung marunong ka, mapapabuti ang iyong kinabukasan at mapapasaiyo ang iyong mga hinahangad.

15. Huwag kang gagaya sa taong masama na palihim na sumasalakay sa bahay ng matuwid.

16. Ang taong matuwid, mabuwal man ng pitong ulit ay tiyak na makakabangon ulit. Hindi tulad ng taong masama na kapag nabuwal ay hindi na makakabangon pa.

17. Huwag kang matuwa kapag napapahamak ang iyong kaaway,

18. dahil kapag nakita ng Panginoon na natutuwa ka, hindi niya ito magugustuhan, at hindi na niya parurusahan ang iyong kaaway.

19. Huwag kang mabalisa o mainggit sa mga taong masama,

20. sapagkat wala silang mabuting kinabukasan at magiging tulad sila ng ilaw na namatay.

21. Anak, igalang mo ang Panginoon at ang hari. Huwag kang makisama sa mga taong sumusuway sa kanila,

22. sapagkat hindi mo alam kung anong kapahamakan ang biglang ibibigay ng Panginoon o ng hari sa kanila.

23. Narito pa ang ilang kawikaan ng marurunong na tao:Hindi dapat magtangi ng tao sa paghatol ng katarungan.

24. Kapag pinalaya mo ang taong may kasalanan, susumpain ka at kamumuhian ng mga tao.

25. Ngunit kapag pinarusahan mo ang may kasalanan, matutuwa ang mga tao at pagpapalain ka.

26. Ang tapat na kasagutan ay tanda ng mabuting pagkakaibigan.

Kawikaan 24