1. Huwag kang mainggit sa mga taong masama o hangarin mang makipagkaibigan sa kanila.
2. Sapagkat ang iniisip nila at sinasabi ay para sa kapahamakan ng iba.
3-4. Sa pamamagitan ng karunungan, maitatayo mo at mapapaunlad ang iyong tahanan. Mapupuno rin ito ng mahahalagang kayamanan.
5. Ang taong marunong ay malaki ang maitutulong upang lalong lumakas ang mga nakikipaglaban,
6. sapagkat kailangan nila ng mga payo sa pakikipaglaban. At higit na matitiyak ang tagumpay kung maraming nagpapayo.
7. Ang karunungan ay hindi maunawaan ng mangmang. Wala siyang masabi kapag mahahalagang bagay ang pinag-uusapan.
8. Ang taong laging nagpaplano ng masama ay kikilalaning may pakana ng kasamaan.
13-14. Anak, kung papaanong matamis at mabuti para sa iyo ang pulot, ganoon din naman ang karunungan. Sapagkat kung marunong ka, mapapabuti ang iyong kinabukasan at mapapasaiyo ang iyong mga hinahangad.