Kawikaan 24:1-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Huwag kang mainggit sa mga taong masama o hangarin mang makipagkaibigan sa kanila.

2. Sapagkat ang iniisip nila at sinasabi ay para sa kapahamakan ng iba.

5. Ang taong marunong ay malaki ang maitutulong upang lalong lumakas ang mga nakikipaglaban,

6. sapagkat kailangan nila ng mga payo sa pakikipaglaban. At higit na matitiyak ang tagumpay kung maraming nagpapayo.

7. Ang karunungan ay hindi maunawaan ng mangmang. Wala siyang masabi kapag mahahalagang bagay ang pinag-uusapan.

8. Ang taong laging nagpaplano ng masama ay kikilalaning may pakana ng kasamaan.

9. Anumang pakana ng hangal ay kasalanan, at kinasusuklaman ng mga tao ang sinumang nangungutya.

10. Kapag ikaw ay nawalan ng pag-asa sa panahon ng kahirapan, nagpapakita lang ito na ikaw ay mahina.

11. Huwag kang mag-atubiling iligtas ang walang kasalanan na hinatulan ng kamatayan.

Kawikaan 24