Kawikaan 23:27-35 Ang Salita ng Dios (ASND)

27. Sapagkat ang babaeng bayaran ay makapagpapahamak sa iyo katulad ng malalim at makitid na hukay.

28. Para siyang tulisan na nag-aabang ng mabibiktima, at siya ang dahilan ng pagtataksil ng maraming lalaki sa kanilang mga asawa.

29. Sino ang may matinding problema? Sino ang mahilig sa away? Sinong mareklamo? Sinong nasugatan na dapat sana ay naiwasan? At sino ang may mga matang namumula?

30. Sino pa kundi ang mga lasenggong sugapa sa ibaʼt ibang klase ng alak!

31. Huwag kang matakam sa alak na napakagandang tingnan sa isang baso at tila masarap.

32. Kapag nalasing ka, sasama ang iyong pakiramdam na parang tinuklaw ka ng makamandag na ahas.

33. Kung anu-ano ang makikita mo at hindi ka makakapag-isip ng mabuti.

34. Pakiramdam moʼy nasa gitna ka ng dagat at nakahiga sa ibabaw ng palo ng barko.

35. Sasabihin mo, “May humampas at sumuntok sa akin, ngunit hindi ko naramdaman. Kailan kaya mawawala ang pagkalasing ko para muli akong makainom?”

Kawikaan 23