Kawikaan 22:6-13 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Ituro sa bata ang tamang pag-uugali, at hindi niya ito malilimutan hanggang sa kanyang pagtanda.

7. Ang mahihirap ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng mayayaman, at ang nangungutang ay alipin ng nagpapautang.

8. Ang naghahasik ng kasamaan ay aani ng kapahamakan, at matitigil na ang kanyang pamiminsala sa iba.

9. Ang nagbibigay ng pagkain sa dukha ay tiyak na pagpapalain.

10. Kapag pinalayas mo ang mga taong nanunuya, mawawala na ang alitan, kaguluhan at pang-iinsulto.

11. Ang taong may malinis na puso at mahinahon magsalita ay magiging kaibigan ng hari.

12. Binabantayan ng Panginoon ang mga taong may karunungan, ngunit sinisira niya ang plano ng mga taksil.

13. Ang taong tamad ay laging may dahilan, sinasabi niyang baka siya ay lapain ng leon sa daan.

Kawikaan 22