11. Ang taong may malinis na puso at mahinahon magsalita ay magiging kaibigan ng hari.
12. Binabantayan ng Panginoon ang mga taong may karunungan, ngunit sinisira niya ang plano ng mga taksil.
13. Ang taong tamad ay laging may dahilan, sinasabi niyang baka siya ay lapain ng leon sa daan.
14. Salita ng masamang babae ay parang malalim na hukay, at doon nahuhulog ang kinamumuhian ng Panginoon.
15. Likas sa mga bata ang pagiging pilyo, ngunit magiging matuwid sila kung didisiplinahin.
16. Ang nagreregalo sa mayaman o nang-aapi sa mahihirap para yumaman ay hahantong din sa karalitaan.
17. Pakinggan mo ang mga sinasabi ng marurunong. Pakinggan mong mabuti habang itinuturo ko ito sa iyo,
18. dahil magbibigay ito sa iyo ng kaligayahan kung malalaman mo ito at masasaulo.
19. Itinuturo ko ito sa iyo ngayon upang magtiwala ka sa Panginoon.
20. Ang 30 Kawikaang ito na isinulat ko ay magdudulot sa iyo ng mga karunungan at payo.
21. Sa pamamagitan nitoʼy malalaman mo ang mga katotohanan at masasagot mo ang mga magtatanong sa iyo.
22. Huwag mong abusuhin ang mga mahihirap o apihin man sila sa mga hukuman,
23. sapagkat ipagtatanggol sila ng Panginoon. Anuman ang gawin ninyong masama sa kanila ay gagawin din niya sa inyo.
24. Huwag kang makipagkaibigan sa taong madaling magalit,
25. baka mahawa ka sa kanya, at mabulid sa ganoong pag-uugali.
26. Huwag kang mangangako na magbabayad sa utang ng iba,