8. Hindi matuwid ang gawain ng taong may kasalanan, ngunit matuwid ang gawain ng taong walang kasalanan.
9. Mas mabuti pang tumirang mag-isa sa bubungan ng bahay kaysa sa loob ng bahay na ang kasama ay asawang palaaway.
10. Ang masasama ay laging gustong gumawa ng masama at sa kanilang kapwa ay wala silang awa.
11. Kapag ang manunuya ay pinarusahan mo, ang mga mangmang ay matututo. Kapag ang marunong naman ang tinuruan mo, lalo pa siyang magiging matalino.
12. Alam ng matuwid na Dios kung ano ang ginagawa ng sambahayan ng masasama, at parurusahan niya sila.
13. Ang hindi pumansin sa daing ng mahirap, kapag siya naman ang dumaing ay walang lilingap.
14. Kapag ang kapwa mo ay may galit sa iyo, mawawala iyon sa palihim na regalo.
15. Kapag katarungan ang umiiral, ang mga matuwid ay natutuwa, ngunit natatakot ang masasama.
16. Ang taong lumilihis sa karunungan ay hahantong sa kamatayan.
17. Ang taong maluho at puro pagdiriwang ay hindi yayaman kundi lalo pang maghihirap.
18. Pinarurusahan ang masasama at makasalanan upang iligtas ang taong matuwid.
19. Mas mabuti pang manirahan sa disyerto kaysa manirahan sa bahay na kasama ang asawang magagalitin at palaaway.
20. Ang taong marunong ay pinaghahandaan ang kanyang kinabukasan, ngunit ang mangmang, winawaldas ang lahat hanggang sa maubusan.
21. Ang taong namumuhay sa katuwiran at kabutihan ay hahaba ang buhay, magtatagumpay at pararangalan.