Kawikaan 21:24-27 Ang Salita ng Dios (ASND)

24. Ang taong palalo at mayabang ay makikilala mo dahil nangungutya siya at sukdulan ang kayabangan.

25. Kung marami kang ninanais ngunit tamad kang magtrabaho, iyon ang sisira sa iyo.

26. Ang taong tamad ay laging naghahangad na makatanggap, ngunit ang taong matuwid ay nagbibigay nang walang alinlangan.

27. Kinasusuklaman ng Panginoon ang handog ng taong masama, lalo na kung ihahandog niya ito ng may layuning masama.

Kawikaan 21