21. Ang taong namumuhay sa katuwiran at kabutihan ay hahaba ang buhay, magtatagumpay at pararangalan.
22. Mapapasuko ng matalinong pinuno ang bayan na maraming sundalo, at kaya niyang gibain ang mga pader na kanilang inaasahang tanggulan.
23. Ang taong nag-iingat sa kanyang mga sinasabi ay nakakaiwas sa gulo.
24. Ang taong palalo at mayabang ay makikilala mo dahil nangungutya siya at sukdulan ang kayabangan.
25. Kung marami kang ninanais ngunit tamad kang magtrabaho, iyon ang sisira sa iyo.
26. Ang taong tamad ay laging naghahangad na makatanggap, ngunit ang taong matuwid ay nagbibigay nang walang alinlangan.