26. Sa paghatol, tinitiyak ng matalinong hari na malaman kung sino ang gumagawa ng kasamaan at saka niya parurusahan.
27. Ibinigay sa atin ng Panginoon ang ating budhi at isipan upang makita ang ating kaloob-looban.
28. Ang haring mabuti at tapat ay hindi mapapahamak, at magtatagal siya sa kanyang luklukan.
29. Karangalan ng kabataan ang kanilang kalakasan, at karangalan naman ng matatanda ang kanilang katandaan.
30. Kung minsan ang parusa ay nagdudulot ng mabuti para magbago tayo.