Kawikaan 20:17-20 Ang Salita ng Dios (ASND)

17. Pagkaing nakuha sa pandaraya sa una ay matamis ang lasa, ngunit sa huli ay lasang buhangin na.

18. Humingi ka ng payo sa iyong pagpaplano o bago makipaglaban sa digmaan.

19. Ang taong masalita nagbubunyag ng sikreto, kaya iwasan mo ang ganyang uri ng tao.

20. Mamamatay ang sinumang sumumpa sa kanyang magulang, para siyang ilaw na namatay sa gitna ng kadiliman.

Kawikaan 20