1. Ang sobrang pag-inom ng alak ay nagbubunga ng panunuya at kaguluhan, kaya ang taong naglalasing ay salat sa karunungan.
2. Ang poot ng hari ay parang atungal ng leon. Kapag ginalit mo siya, papatayin ka niya.
3. Ang pag-iwas sa gulo ay tanda ng karangalan; hangal lang ang may gusto ng kaguluhan.
4. Ang taong tamad mag-araro sa panahon ng pagtatanim ay walang makukuha pagdating ng anihan.
5. Ang isipan ng tao ay tulad ng malalim na balon, ngunit mauunawaan ito ng taong marunong.