Kawikaan 2:6-15 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Sapagkat ang Panginoon ang nagbibigay ng karunungan, kaalaman, at ng pang-unawa.

9. Kung makikinig ka sa akin, malalaman mo ang dapat mong gawin, ang tama, matuwid at nararapat.

10. Sapagkat lalong lalawak ang iyong karunungan at magbibigay ito sa iyo ng kaligayahan.

11. Kapag nakakaunawa ka at marunong magpasya nang tama, iingatan ka nito.

12. Ilalayo ka ng karunungan sa masamang pag-uugali at sa mga taong nagsasalita ng masama.

13. Pinili ng mga taong ito na iwanan ang magandang pag-uugali at sumunod sa pamamaraan ng mga nasa kadiliman.

14. Natutuwa sila sa paggawa ng masama at nasisiyahan sa mga kalikuan nito.

15. Masama ang pag-uugali nila at hindi matuwid ang kanilang pamumuhay.

Kawikaan 2