Kawikaan 2:1-14 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Anak, tanggapin at ingatan mo sa iyong puso ang mga itinuturo at iniuutos ko sa iyo.

2. Pakinggan mo kung ano ang makapagbibigay sa iyo ng karunungan at kaalaman.

3. Pagsikapan mong magkaroon ng pang-unawa,

4. na parang naghahanap ka ng pilak o anumang nakatagong kayamanan.

5. Kung gagawin mo ito, malalaman mo kung ano ang pagkatakot sa Panginoon at mauunawaan mo ang tungkol sa kanya.

6. Sapagkat ang Panginoon ang nagbibigay ng karunungan, kaalaman, at ng pang-unawa.

9. Kung makikinig ka sa akin, malalaman mo ang dapat mong gawin, ang tama, matuwid at nararapat.

10. Sapagkat lalong lalawak ang iyong karunungan at magbibigay ito sa iyo ng kaligayahan.

11. Kapag nakakaunawa ka at marunong magpasya nang tama, iingatan ka nito.

12. Ilalayo ka ng karunungan sa masamang pag-uugali at sa mga taong nagsasalita ng masama.

13. Pinili ng mga taong ito na iwanan ang magandang pag-uugali at sumunod sa pamamaraan ng mga nasa kadiliman.

14. Natutuwa sila sa paggawa ng masama at nasisiyahan sa mga kalikuan nito.

Kawikaan 2