5. Hindi mabuti na kampihan ang taong nagkasala at hindi mabuti na ipagkait ang katarungan sa taong walang kasalanan.
6. Ang sinasabi ng taong hangal ang pinagsisimulan ng alitan at magdadala sa kanya sa kaguluhan.
7. Ang salita ng hangal ang maglalagay sa kanya sa panganib at kapahamakan.
8. Ang tsismis ay gaya ng pagkaing masarap nguyain at lunukin.
9. Ang taong tamad ay kasingsama ng taong mapanira.
10. Ang Panginoon ay katulad ng toreng matibay, kanlungan ng mga matuwid sa oras ng panganib.
11. Ang akala ng taong mayaman ay maipagtatanggol siya ng kanyang kayamanan gaya ng mga pader na nakapalibot sa buong bayan.