Kawikaan 18:16-20 Ang Salita ng Dios (ASND)

16. Madaling makikipagkita sa iyo ang dakilang tao kapag may dala kang regalo para sa kanya.

17. Ang unang naglahad ng salaysay sa korte ay parang iyon na ang totoo, hanggang hindi pa nasusuri at natatanong ng kabilang panig.

18. Napapatigil ng palabunutan ang mga alitan, at pinagkakasundo ang mahigpit na magkalaban.

19. Mas madali pang sakupin ang isang napapaderang bayan kaysa sa makipagbati sa kapatid na nasaktan.Kung paanong mahirap wasakin ang mga kandado ng tarangkahan ng palasyo, mahirap din pigilin ang alitan ng dalawang tao.

20. Aanihin mo ang bunga ng iyong mga sinasabi.

Kawikaan 18