12. Ang pagmamataas ng tao ang magpapahamak sa kanya, ngunit ang pagpapakumbaba ang magpaparangal sa kanya.
13. Hangal at kahiya-hiya ang taong sumasagot sa usapan ng hindi muna nakikinig.
14. Sa taong may karamdaman, tatag ng loob ang magbibigay kalakasan. Kung mawawalan siya ng pag-asa, wala nang makatutulong pa sa kanya.
15. Ang taong marunong at nakauunawa ay lalo pang naghahangad ng karunungan.
16. Madaling makikipagkita sa iyo ang dakilang tao kapag may dala kang regalo para sa kanya.
17. Ang unang naglahad ng salaysay sa korte ay parang iyon na ang totoo, hanggang hindi pa nasusuri at natatanong ng kabilang panig.
18. Napapatigil ng palabunutan ang mga alitan, at pinagkakasundo ang mahigpit na magkalaban.
19. Mas madali pang sakupin ang isang napapaderang bayan kaysa sa makipagbati sa kapatid na nasaktan.Kung paanong mahirap wasakin ang mga kandado ng tarangkahan ng palasyo, mahirap din pigilin ang alitan ng dalawang tao.
20. Aanihin mo ang bunga ng iyong mga sinasabi.