13. Kapag kasamaan ang iginanti mo sa kabutihang ginawa sa iyo, palaging may masamang mangyayari sa sambahayan mo.
14. Ang simula ng away ay katulad ng butas sa isang dike, kailangang tapalan bago lumaki.
15. Kasuklam-suklam sa Panginoon ang taong nagpaparusa sa taong walang kasalanan o nagpapalaya sa taong may kasalanan.
16. Walang kabuluhang pag-aralin ang taong hangal sapagkat hindi naman niya hinahangad ang matuto.
17. Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at nagkaroon tayo ng kapatid upang sa kagipitan ay tumulong.
18. Ang taong nangakong managot sa utang ng iba ay kulang sa karunungan.
19. Ang taong gusto ng kasalanan ay gusto rin ng kaguluhan. At ang taong mayabang ay naghahanap ng kapahamakan.
20. Hindi uunlad ang taong baluktot ang pag-iisip, at ang taong sinungaling ay dadanas ng kasawian.
21. Ang anak na hangal ay nagdudulot ng kalungkutan at kabiguan sa magulang.
22. Ang pagiging masayahin ay parang gamot na nakabubuti sa katawan, ngunit ang pagiging malungkutin ay nagpapahina ng katawan.
23. Ang taong masama ay tumatanggap ng suhol upang ipagkait ang makatarungang hatol.
24. Ang taong may pang-unawa ay naghahangad pa ng karunungan; ngunit ang isip ng mangmang ay pagala-gala.
25. Ang anak na hangal ay nagdudulot ng kapaitan at kalungkutan sa kanyang mga magulang.
26. Hindi mabuti na parusahan ang taong matuwid o ang taong marangal.
27. Ang taong marunong at nakakaunawa ay maingat magsalita at hindi padalos-dalos.
28. Kahit ang mangmang ay parang marunong at nakakaunawa kapag tahimik.