Kawikaan 16:7-10 Ang Salita ng Dios (ASND)

7. Kapag kinalulugdan ng Panginoon ang ating pamumuhay, kahit na ang ating kaaway ay gagawin niyang ating kaibigan.

8. Mas mabuti ang kaunting halaga na pinaghirapan, kaysa sa malaking kayamanang galing sa masamang paraan.

9. Ang tao ang nagpaplano, ngunit nasa Panginoon ang kaganapan nito.

10. Ang haring pinapatnubayan ng Panginoon, palaging tama ang paghatol.

Kawikaan 16