Kawikaan 15:28-30 Ang Salita ng Dios (ASND)

28. Ang taong matuwid ay pinag-iisipan muna ang sasabihin, ngunit ang taong masama ay basta na lamang nagsasalita.

29. Malayo ang Panginoon sa masasama, ngunit malapit siya sa mga matuwid at pinapakinggan niya ang kanilang dalangin.

30. Ang masayang mukha ay nagbibigay ng tuwa at nagpapasigla ang magandang balita.

Kawikaan 15