Kawikaan 14:7-14 Ang Salita ng Dios (ASND)

7. Iwasan mo ang mga hangal dahil wala kang mabuting matututunan sa kanila.

8. Ang karunungan ng taong marunong umunawa kung ano ang tama at mali ang nagbibigay sa kanya ng kaalaman kung ano ang kanyang gagawin, ngunit ang kahangalan ng taong hangal ang magliligaw sa kanya.

9. Balewala sa mga hangal ang makagawa ng kasalanan, ngunit ang taong matuwid ay gustong maging kalugod-lugod sa Dios.

10. Ikaw lamang ang nakakaalam ng iyong kabiguan at kagalakan.

11. Mawawasak ang tahanan ng taong masama, ngunit uunlad ang tahanan ng taong matuwid.

12. Maaaring sa tingin mo ang daang tinatahak mo ay matuwid, ngunit kamatayan pala ang dulo nito.

13. Maaaring maitago ang kalungkutan sa pamamagitan ng pagtawa, ngunit pagkatapos ng kasiyahan nariyan pa rin ang kalungkutan.

14. Ang tao ay tatanggap ng nararapat sa kanya kung ano ang ginawa niya, mabuti man o masama.

Kawikaan 14