Kawikaan 10:2-6 Ang Salita ng Dios (ASND)

2. Ang kayamanang nakuha sa masamang paraan ay hindi makapagbibigay ng anumang kabutihan, ngunit ang matuwid na pamumuhay ay makapagliligtas sa iyo sa kamatayan.

3. Hindi hinahayaan ng Panginoon na magutom ang mga matuwid, ngunit ipinagkakait naman niya ang hangad ng mga masama.

4. Nagpapahirap ang katamaran, ngunit ang kasipagan ay nagpapayaman.

5. Ang nag-iimbak ng pagkain kapag anihan ay anak na marunong, ngunit ang anak na laging tulog kapag anihan ay kahiya-hiya.

6. Ang taong matuwid ay pinagpapala; ang bibig ng masamang tao ay nakakapinsala.

Kawikaan 10