Kawikaan 1:15-29 Ang Salita ng Dios (ASND)

15. Anak, huwag kang sumama sa kanila; iwasan mo sila.

16. Sapagkat mabilis sila sa paggawa ng masama at sa pagpatay ng tao.

17. Walang kabuluhan ang paglalagay ng bitag kung ang ibong iyong huhulihin ay nakatingin.

18. Alam ng ibon na mahuhuli siya, pero ang taong masasama, hindi nila alam na sila rin ang magiging biktima ng ginagawa nila.

19. Ganyan ang mangyayari sa mga taong ang ari-arian ay nakuha sa masamang paraan. Mamamatay sila sa ganoon ding paraan.

20-21. Ang karunungan ay katulad ng isang mangangaral na nagsasalita sa mga lansangan, plasa, pamilihan, at mga pintuang bayan. Sinasabi niya,

22. “Kayong mga walang alam,hanggang kailan kayo mananatiling ganyan?Kayong mga nanunuya, hanggang kailan kayo matutuwa sa inyong panunuya?Kayong mga hangal, hanggang kailan ninyo tatanggihan ang karunungan?

23. Pakinggan ninyo ang pagsaway ko sa inyo.Sasabihin ko sa inyo kung ano ang iniisip ko.Ipapaalam ko sa inyo ang aking sasabihin laban sa inyo,

24. sapagkat hindi ninyo pinansin ang panawagan ko na lumapit kayo sa akin,

25. at binalewala ninyo ang lahat ng payo ko at pagsaway.

26-27. Pagtatawanan ko kayo kapag napahamak kayo;kukutyain ko kayo kapag dumating sa inyo ang paghihirap at mga pangyayaring nakakatakot gaya ng ipu-ipo at bagyo.

28. Tatawag kayo sa akin, ngunit hindi ko kayo sasagutin.Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ninyo ako makikita.

29. Dahil ayaw ninyo na tinuturuan kayo at wala kayong takot sa Panginoon.

Kawikaan 1