Juan 8:56-59 Ang Salita ng Dios (ASND)

56. Natuwa ang ama ninyong si Abraham nang malaman niyang makikita niya ang aking kapanahunan. Nakita nga niya ito, at natuwa siya.”

57. Sinabi ng mga pinuno ng mga Judio sa kanya, “Wala ka pang 50 taon, paano mo nasabing nakita mo na si Abraham?”

58. Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, bago pa ipanganak si Abraham, nariyan na ako.”

59. Dahil dito, pumulot ng mga bato ang mga tao upang batuhin siya. Pero nakapagtago si Jesus at umalis sa templo.

Juan 8