Juan 8:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Si Jesus naman ay pumunta sa bundok ng mga Olibo.

2. Kinabukasan, maaga pa ay bumalik na si Jesus sa templo. Maraming tao ang lumapit sa kanya, kaya umupo siya at nangaral sa kanila.

3. Dumating ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na may dalang babae na nahuli sa pangangalunya. Pinatayo nila ang babae sa harap ng mga tao,

4. at sinabi nila kay Jesus, “Guro, ang babaeng itoʼy nahuli sa pangangalunya.

Juan 8