41. Sinabi naman ng iba, “Siya na nga ang Cristo!” Pero may nagsabi rin, “Hindi siya ang Cristo, dahil hindi maaaring manggaling ang Cristo sa Galilea.
42. Hindi baʼt sinasabi sa Kasulatan na ang Cristo ay manggagaling sa lahi ni Haring David, at ipapanganak sa Betlehem na bayan ni David?”
43. Kaya iba-iba ang paniniwala ng mga tao tungkol kay Jesus.
44. Gusto ng ilan na dakpin siya, pero walang humuli sa kanya.
45. Bumalik ang mga guwardya ng templo sa mga namamahalang pari at mga Pariseo na nag-utos sa kanila na dakpin si Jesus. Tinanong sila ng mga ito, “Bakit hindi ninyo siya dinala rito?”
46. Sumagot sila, “Ngayon lang po kami nakarinig ng katulad niyang magsalita.”
47. Sinabi ng mga Pariseo, “Kung ganoon, pati kayo ay naloko na rin ng taong iyon?
48. May nakita na ba kayong mga pinuno o mga Pariseong sumasampalataya sa kanya?
49. Wala! Mga tao lang na walang alam sa Kautusan ni Moises ang sumasampalataya sa kanya. Sumpain sila ng Dios!”
50. Isa sa mga Pariseong naroon ay si Nicodemus, na minsang dumalaw kay Jesus. Sinabi niya sa mga kasamahan niya,
51. “Hindi baʼt labag sa Kautusan natin na hatulan ang isang tao hanggaʼt hindi siya nalilitis at inaalam kung ano ang ginawa niya?”
52. Sumagot sila kay Nicodemus, “Taga-Galilea ka rin ba? Magsaliksik ka sa Kasulatan at makikita mong walang propetang nanggagaling sa Galilea.”
53. [Pagkatapos nito, nag-uwian na silang lahat.]