64. Pero may ilan sa inyo na hindi sumasampalataya.” Sinabi ito ni Jesus dahil alam niya sa simula pa kung sino ang mga hindi sumasampalataya, at kung sino ang magtatraydor sa kanya.
65. “Ito ang dahilan kaya sinabi ko sa inyong walang makakalapit sa akin malibang ipahintulot ng Ama.” Dagdag pa ni Jesus.
66. Mula noon, marami sa mga tagasunod niya ang tumalikod at hindi na sumunod sa kanya.
67. Kaya tinanong ni Jesus ang 12 apostol, “Kayo ba, gusto rin ninyong umalis?”
68. Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino pa po kami pupunta? Kayo lang ang may mensaheng nagbibigay ng buhay na walang hanggan.
69. Sumasampalataya kami sa inyo at alam naming kayo ang Banal na sugo ng Dios.”
70. Sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi baʼt pinili ko kayong 12? Pero ang isa sa inyo ay diyablo!”
71. Ang tinutukoy ni Jesus ay si Judas na anak ni Simon Iscariote, dahil kahit kabilang si Judas sa 12 apostol, tatraydurin niya si Jesus sa bandang huli.