Juan 6:38-50 Ang Salita ng Dios (ASND)

38. Sapagkat naparito ako mula sa langit, hindi upang gawin ang sarili kong kalooban kundi ang kalooban ng aking Amang nagsugo sa akin.

39. At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin: na huwag kong pabayaang mawala ang kahit isa sa mga ibinigay niya sa akin; sa halip ay bubuhayin ko silang muli sa huling araw.

40. Sapagkat kalooban ng aking Ama na ang lahat ng kumikilala at sumasampalataya sa Anak ay magkaroon ng buhay na walang hanggan, at bubuhayin ko silang muli sa huling araw.”

41. Samantala, nagbulung-bulungan ang mga Judio dahil sinabi ni Jesus na siya ang tinapay na mula sa langit.

42. Kaya sinabi nila, “Hindi baʼt si Jesus lang naman iyan na anak ni Jose? Bakit sinasabi niyang bumaba siya mula sa langit, samantalang kilala natin ang mga magulang niya?”

43. Sinabi sa kanila ni Jesus, “Huwag kayong magbulung-bulungan.

44. Walang makakalapit sa akin maliban kung papalapitin siya ng Amang nagsugo sa akin. At ang mga lalapit sa akin ay bubuhayin kong muli sa huling araw.

45. Ayon sa isinulat ng mga propeta, ‘Tuturuan silang lahat ng Dios.’ Kaya ang lahat ng nakikinig at natututo sa Ama ay lalapit sa akin.

46. Hindi ito nangangahulugang may nakakita na sa Ama. Ako lang na nagmula sa Dios Ama ang nakakita sa kanya.

47. “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sumasampalataya sa akin ay may buhay na walang hanggan,

48. dahil ako ang tinapay na nagbibigay-buhay.

49. Kumain ng ‘manna’ ang mga ninuno ninyo noong nasa ilang sila, ngunit namatay din silang lahat.

50. Pero narito ang tinapay na mula sa langit, at hindi na mamamatay ang sinumang kumain nito.

Juan 6