Juan 5:5-12 Ang Salita ng Dios (ASND)

5. May isang lalaki roon na 38 taon nang may sakit.

6. Nakita ni Jesus ang lalaki na nakahiga roon at nalaman niyang matagal na itong may sakit. Kaya tinanong siya ni Jesus, “Gusto mo bang gumaling?”

7. Sumagot ang may sakit, “Gusto ko po sana, pero walang tumutulong sa aking lumusong sa tubig kapag kinakalawkaw na ito. Sa tuwing papunta pa lang ako, nauunahan na ako ng iba.”

8. Sinabi ni Jesus sa kanya, “Tumayo ka, buhatin mo ang higaan mo at lumakad!”

9. Agad na gumaling ang lalaki. Binuhat niya ang higaan niya at lumakad.Nangyari ito sa Araw ng Pamamahinga.

10. Kaya sinabi ng mga pinuno ng mga Judio sa taong pinagaling, “Hindi baʼt Araw ng Pamamahinga ngayon? Labag sa Kautusan ang pagbubuhat mo ng higaan!”

11. Pero sumagot siya, “Ang taong nagpagaling sa akin ang nag-utos na buhatin ko ito at lumakad.”

12. Tinanong nila siya, “Sino ang nag-utos sa iyong buhatin ang higaan mo at lumakad?”

Juan 5