2. Hindi na kayo tatanggapin ng mga kapwa nʼyo Judio sa mga sambahan nila. Sa katunayan, darating ang panahon na ang sinumang papatay sa inyo ay mag-aakalang naglilingkod siya sa Dios.
3. Gagawin nila ang mga bagay na ito dahil hindi nila kilala ang Ama o ako.
4. Pero sinasabi ko sa inyo ang mga ito para pagdating ng pag-uusig, maaalala nʼyong sinabi ko na ito sa inyo.“Hindi ko sinabi sa inyo ang mga bagay na ito noong una, dahil kasama nʼyo pa ako.
5. Pero ngayon ay babalik na ako sa nagsugo sa akin, at wala ni isa man sa inyo ang nagtatanong kung saan ako pupunta.
6. At ngayong sinabi ko na sa inyo, nalulungkot kayo.
7. Pero ang totoo, para sa ikabubuti nʼyo ang pag-alis ko, dahil hindi paparito sa inyo ang Tagatulong kung hindi ako aalis. Pero kapag umalis na ako, ipapadala ko siya sa inyo.
8. Pagdating niya, ipapakita niya sa mga taong makamundo na makasalanan sila at ako namaʼy matuwid. At ipapakita rin niya na hahatulan sila ng Dios.
9. Ipapakita niya sa mga tao na makasalanan sila dahil hindi sila sumampalataya sa akin.
10. Ipapakita niya na ako ay matuwid dahil pupunta ako sa Ama at hindi nʼyo na makikita.