Juan 12:10-22 Ang Salita ng Dios (ASND)

10. Kaya binalak din ng mga namamahalang pari na ipapatay si Lazarus,

11. dahil siya ang dahilan kaya maraming Judio ang humihiwalay na sa kanila at sumasampalataya kay Jesus.

12. Kinabukasan, nabalitaan ng maraming tao na dumalo sa pista na papunta si Jesus sa Jerusalem.

13. Kaya kumuha sila ng mga palaspas at sinalubong si Jesus. Sumisigaw sila, “Purihin ang Dios! Pagpalain ang dumarating na ito sa pangalan ng Panginoon. Pagpalain ang Hari ng Israel!”

14. Nakakita si Jesus ng isang batang asno at sinakyan niya ito, gaya ng nakasaad sa Kasulatan,

15. “Huwag kayong matakot, mga taga-Zion!Makinig kayo! Paparating na ang inyong Harina nakasakay sa isang batang asno!”

16. Hindi pa naiintindihan noon ng mga tagasunod ni Jesus ang ginawang iyon ng mga tao. Pero nang makabalik na si Jesus sa langit, saka lang nila naintindihan na iyon ang nakasaad sa Kasulatan.

17. Marami ang nakasaksi nang muling buhayin ni Jesus si Lazarus. At ipinamalita nila ang pangyayaring ito.

18. Kaya marami ang sumalubong kay Jesus, dahil nabalitaan nila ang ginawa niyang himala.

19. Dahil dito, nag-usap-usap ang mga Pariseo, “Tingnan ninyo, sumusunod na sa kanya ang lahat ng tao, at wala tayong magawa!”

20. May mga Griego ring pumunta sa Jerusalem upang sumamba sa Dios sa kapistahan.

21. Lumapit sila kay Felipe na taga-Betsaida sa probinsya ng Galilea. Sinabi nila sa kanya, “Gusto po sana naming makita si Jesus.”

22. Pinuntahan ni Felipe si Andres at sinabi sa kanya ang kahilingan ng mga Griego. Pagkatapos, pinuntahan nila si Jesus at ipinaalam ang kahilingan.

Juan 12