Juan 11:9-15 Ang Salita ng Dios (ASND)

9. Sumagot si Jesus, “Hindi baʼt may 12 oras sa maghapon? Kaya ang naglalakad sa araw ay hindi natitisod, dahil maliwanag pa.

10. Ngunit ang naglalakad sa gabi ay natitisod, dahil wala na sa kanya ang liwanag.”

11. Pagkatapos, sinabi pa ni Jesus, “Ang kaibigan nating si Lazarus ay natutulog. Pupunta ako roon upang gisingin siya.”

12. Sinabi ng mga tagasunod niya, “Panginoon, kung natutulog siya, gagaling pa siya.”

13. Ang akala nilaʼy natutulog lang si Lazarus, pero ang ibig sabihin ni Jesus ay patay na ito.

14. Kaya tinapat sila ni Jesus, “Patay na si Lazarus.

15. Ngunit nagpapasalamat ako na wala ako roon, dahil ang gagawin kong himala sa kanya ay para sa kabutihan ninyo, upang lalo pa kayong sumampalataya sa akin. Tayo na, puntahan natin siya.”

Juan 11