Juan 11:13-22 Ang Salita ng Dios (ASND)

13. Ang akala nilaʼy natutulog lang si Lazarus, pero ang ibig sabihin ni Jesus ay patay na ito.

14. Kaya tinapat sila ni Jesus, “Patay na si Lazarus.

15. Ngunit nagpapasalamat ako na wala ako roon, dahil ang gagawin kong himala sa kanya ay para sa kabutihan ninyo, upang lalo pa kayong sumampalataya sa akin. Tayo na, puntahan natin siya.”

16. Si Tomas na tinatawag na Kambal ay nagsabi sa mga kapwa niya tagasunod, “Sumama tayo sa kanya, kahit mamatay tayong kasama niya.”

17. Nang dumating si Jesus sa Betania, nalaman niyang apat na araw nang nakalibing si Lazarus.

18. May tatlong kilometro lang ang layo ng Betania sa Jerusalem,

19. kaya maraming Judio galing sa Jerusalem ang dumalaw kina Marta at Maria upang makiramay sa pagkamatay ng kanilang kapatid.

20. Nang marinig ni Marta na dumarating na si Jesus, sinalubong niya ito; pero si Maria ay naiwan sa bahay.

21. Sinabi ni Marta kay Jesus, “Panginoon, kung nandito kayo ay hindi sana namatay ang kapatid ko.

22. Ngunit kahit ngayon, alam kong ibibigay sa inyo ng Dios ang anumang hilingin nʼyo sa kanya.”

Juan 11