9. Ang ibang bahagi ng lupang ito ay galing sa parte ng lahi ni Juda dahil ang ibinigay sa kanila ay sobrang maluwang para sa kanila. Kaya natanggap ng lahi ni Simeon ang kanilang lupain sa gitna ng lupain ng lahi ni Juda.
10. Ang ikatlong pinartihan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Zebulun.Ang hangganan ng lupain nila ay nagsimula sa Sarid.
11. Mula roon, papunta ito sa kanluran: sa Marala, sa Dabeshet, at patuloy sa daluyan ng tubig sa silangan ng Jokneam.
12. Mula sa kabilang bahagi ng Sarid, papunta ito sa silangan sa hangganan ng Kislot Tabor, at patuloy sa Daberat hanggang Jafia.
13. Mula roon, papunta ito sa silangan sa Gat Hefer, sa Et Kazin, sa Rimon at paliko papuntang Nea.
14. Ang hangganan ng Zebulun sa hilaga ay dumaraan sa Hanaton at nagtatapos sa Lambak ng Ifta El:
15. Lahat ay 12 bayan, kasama ang mga baryo sa paligid nito. Kasama rin ang mga bayan ng Katat, Nahalal, Shimron, Idala at Betlehem.
16. Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Zebulun na hinati ayon sa bawat sambahayan.
17. Ang ikaapat na pinartihan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Isacar.
18. Ito ang mga lungsod na sakop nila: Jezreel, Kesulot, Shunem,
19. Hafaraim, Shion, Anaharat,
20. Rabit, Kishion, Ebez,
21. Remet, En Ganim, En Hada at Bet Pazez.
22. Ang hangganan ng lupain ay umaabot sa Tabor, Shahazuma at sa Bet Shemesh at nagtatapos sa Ilog ng Jordan – 16 na bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito.
23. Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Isacar na hinati ayon sa bawat sambahayan.
24. Ang ikalimang pinartihan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Asher.
25. Ito ang mga bayan na sakop nila:Helkat, Hali, Beten, Acshaf,
26. Alamelec, Amad at Mishal. Ang hangganan nitong lupain sa kanluran ay umaabot sa Carmel at Shihor Libnat,
27. paliko ito pasilangan papuntang Bet Dagon at umaabot sa Zebulun at sa Lambak ng Ifta El. Pagkatapos, papunta ito sa hilaga papuntang Bet Emek at Niel. Papunta pa ito sa hilaga hanggang Cabul,